Hindi ko alam kung ano pa nga bang maisusulat ko sa blog na ‘to. Matagal-tagal na rin kasi mula nung sinulat ko ang Y sa Mata. Hindi ko naman sinasabing iba na yung nararamdaman ko noon sa nararamdaman ko ngayon. Kasi sa totoo lang, kung tatak Yengster ka, hinding hindi yun mawawala, makalipas man ang ilang taon at dumaan man ang kung ano anong pangyayari. Sadyang hindi lang talaga ganun kadali ipahayag ang ganitong klaseng pakiramdam. Ito kasi yung pakiramdam na, ramdam na ramdam mo pero parang walang sapat na salita o pangungusap na makakapag-larawan sa nararamdaman mo. At isa pa, kung babasahin mo ang nabanggit na una kong blog (Y sa Mata) at ikukumpara yun sa blog na ‘to, maaari ring masabi na nag-iba na rin ang paraan ng pagsulat ko. Hindi dahil trip kong baguhin ang style of writing ko, kundi dahil, sa dalawang taon na lumipas, tumanda ako at ang pag-iisip ko. (Gets niyo na yun. Hindi ko na palalawakin kasi hindi naman tungkol sa pagtanda ko ang blog na ito.) Maraming mga pagbabago. Kung baga, nag-Metamorphosis. (Hindi ka pa ba nakakabili? Bili na!) Sabi nga nila, The only constant thing in the world is change. Oha. English ‘yon. Pero naniniwala ako na, marami mang nagbago, meron pa ring mga bagay na nananatili. Tulad ng,
Y sa Mata.
——
Intro lang muna. :)) Hindi mo pa ba nabasa ang sinasabing unang blog? Ito oh. :)
Read my last blog and you’ll know what I mean.
Wow. Pengeng lakas ng loob.
What I never did is done.
(Source: arachnidzgrip)
(Source: staypozitive)
(Source: radquotes)
You don’t need to search for a girl or run after a girl. That’s not how you find her. All you gotta do is aim for God and start running. Soon, you’ll notice someone else running beside you, maybe even faster than you. That’s who you’ll want to go for.
My pastor said this I loved it
(Source: ericballard)